Lipa City, Batangas — Patay ang isang estudyanteng sakay ng motorsiklo sa banggaan ng isa pa habang parehong binabaybay ang iisang linya ng kalsada nitong Linggo ng madaling araw, Mayo 14, sa Barangay Tambo sa lungsod na ito.

Sa ulat ng Lipa City police, kinilala ang biktima na si Jonathan Bautista, binata at residente ng Barangay Nangkaan, Mataas na Kahoy, Batangas. Sugatan si Joshua Alex Lumbera, 24, call center agent at residente ng Brgy. San Carlos.

Alas-12:05 ng madaling-araw ay binabaybay ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng J.P Laurel Highway sa nasabing lugar patungo sa city proper.

Si Bautista ay nagmamaneho ng isang NMax na motorsiklo habang si Lumbera naman ay isang Mio na motorsiklo nang mawalan ng kontrol at magsalpukan sa kurbada na bahagi ng kalsada.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan si Bautista at dinala sa Lipa City District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival, habang si Lumbera ay nagtamo ng minor injuries sa iba't ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang ginagamot.

Iniulat ng pulisya na posibleng magkaroon ng amicable settlement sa nasabing aksidente.