ZAMBOANGA CITY – Naharang ng Zamboanga City Police Station 6 sa pangunguna ni Police Col. Sonny Boy Perez ang isang abandonadong van na naglalaman ng P525,000 halaga ng smuggled na sigarilyo nitong Sabado, Mayo 13, habang nagsasagawa ng hot pursuit operations laban sa isang suspek sa insidente ng pamamaril dito.

Sinabi ni Police Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City police director, na naharang ang abandonadong sasakyan sa Maria Clara Lobregat Highway.

Ang van na kargado ng 15 kahon ng smuggled na sigarilyo ay nakarehistro sa ilalim ng pangalan ng isang Midzpar H. Mohammad ng Zamboanga City.

Dinala ang van sa Police Station 6 bago ang turnover nito sa Bureau of Customs Zamboanga port.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagsasagawa ng pursuit operations si Perez at ang kanyang mga tauhan laban sa isang lalaking bumaril umano ng isang American national nang matagpuan ang van.

Liza Jocson