Hindi na napigilan ng singer at komedyanang si Ethel Booba na talakan ang isang raket na maya’t maya aniya ang pa-reschedule.

Ito ang mababasa sa walang pagpapatumpik na Facebook post ni Ethel noong Huwebes, Mayo 11.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Pabook kayo n[an]g pabook ng sked ng taping! Tapos ireresked nyo! Alam n[i]yong hindi kami available sa date na gusto n[i]yong taping!!!” nabanas na sey ni Ethel matapos ang dalawang beses na aniyang parehong insidente.

Kilala bilang singer, komedyante at performer si Ethel na suki sa kaliwa’t kanang mga show sa mga probinsya, bagay na kinakailangan ng pagsunod sa istriktong schedule.

Kaya tila hindi na nga nagustuhan ng komedyana ang aniya’y ilang beses nang paglipat sa schedule ng taping ng isang hindi pinangalanang programa.

“Naka-ilang plane tiket na k[a]mi kabibili ng tiket! Hindi nyo naman nirerefund. NAKAKALOKA kayo! Itigil nyo na yang game show n[i]yo!” talak ni Ethel.

Wala namang tinukoy na partikular na “game show” ang personalidad bagaman ikinalungkot at ikinadismaya rin ng kaniyang followers ang naturang insidente.