Itinumba ng Gilas Pilipinas women's basketball team ang host na Cambodia, 116-58, sa Southeast Asian (SEA) Games nitong Sabado.
Nagsanib-puwersa sina Jack Animan, Janine Pontejos at Andrea Tongco upang tambakan ang Cambodia at maiuwi ang panalo.
Umabot sa 60 puntos ang bentahe ng koponan, tampok ang ratsada nina Khate Castillo at Camille Clarin.
Naka-19 puntos lamang ang Vietnam sa second at third quarter dahil sa mahigpit na depensa ng Gilas.
Anim na manlalaro ng Gilas ang nagtala ng double digit, kabilang na si Castillo na nagtala ng 22 puntos at pitong tres, habang naka-16 puntos naman si Animan, bukod pa ang 13 rebounds.