Hindi makapaniwala ang dating barangay chairman sa Surigao del Sur na si Clementino Alico o mas kilala bilang "Tatay Menting" na makatatanggap siya ng 100,000 cash bilang regalo ng pamahalaan sa mismong ika-100 kaarawan nitong Mayo 11.

Ipinasya na lamang na magtungo ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bahay ni Alico sa Brgy. Malixi, Tagbina upang personal na ipagkaloob ang nasabing regalo alinsunod na rin sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang makaaabot sa nasabing edad pataas ay makatatanggap ng Letter of Felicitation mula sa Pangulo ng Pilipinas, bukod pa ang nasabing cash gift.

Si Alico ay kauna-unahang kapitan sa kanilang lugar at nakapag-ambag sa pag-unlad ng munisipyo sa paglipas ng panahon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinasalamatan naman ng pamilya ni Alico ang gobyerno dahil sa patuloy na pagpapatupad ng naturang batas.

Mahigit na sa 8,500 centenarians sa bansa ang nakatanggap ng kahalintulad na regalo mula sa pamahalaan.