Labis ang pasasalamat ng bagong Kapuso na si Matteo Guidicelli sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng GMA Network.

Nitong Huwebes, Mayo 11, opisyal nang kabahagi ng Kapuso Network si Matteo matapos siyang pumirma ng kontrata rito. Siya ay magtatrabaho sa ilalim ng GMA Public Affairs.

"A new chapter begins as I officially join the GMA Network family! I'm beyond excited and honored to embark on this journey with Public Affairs, where we'll be sharing the inspiring stories of Filipinos with the world," saad ni Matteo sa kaniyang IG post nitong Biyernes, Mayo 12.

Pinasalamatan niya ang kaniyang bagong network.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"The warmth and welcome from GMA have truly touched my heart. Thank you for believing in me and giving me this amazing opportunity. Here's to passion, dedication, and making a difference together!"

Samantala, sa Oktubre nakatakda ang taping nila ng Kapuso actor na si Ruru Madrid para sa primetime hard-action drama series na "The Black Rider."

Umani ng mga positibong komento ang nasabing IG post ni Matteo.