Isang lalaking pinaghahanap dahil sa umano'y panghahalay sa kanyang sariling anak ang nakuwelyuhan ng mga awtoridad sa isang manhunt operation sa Mulanay, Quezon, nitong Huwebes, Mayo 11.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang mga akusado na si alyas Isidro, isa sa most wanted persons ng Laguna na 14 na taon nang nagtatago.

Ang akusado ay nahuli ng Mabitac Municipal Police Station (MPS) at 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Oktubre 2009 ng Regional Trial Court Branch 33.

Si alyas Isidro ay nahaharap sa kasong incestuous rape na walang inirekomendang piyansa.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nasa kustodiya na siya ng Mabitac MPS.

Carla Bauto Dena