Natagpuan sa loob ng isang drum ang bangkay na naiulat na nawawalang babae kamakailan sa Bacoor City.

Kinilala ni Bacoor City Police Station (CPS) chief Lt. Col. Ruther Saquilayan ang biktima na si Mila Loslos.

Ayon kay Saquilayan, humingi ng tulong ang anak nito sa pulis at iniulat na nawawala ito mula pa noong Mayo 5.

Sa isinagawang follow-up operation, natagpuan ng mga awtoridad noong Mayo 9 ang drum na naglalaman ng katawan ng biktima sa loob ng bahay nila ng kaniyang Amerikanong live-in partner na si William Thomas Worth, 71-anyos.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

“Bloated na, nasa loob nang drum at nakabalot ng packing tape… Based sa ano [assessment] namin, mga two to three days na," pahayag niSaquilayan sa Manila Bulletin.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon umano ng alitan matapos malaman umano ng suspek na may asawa't anak ang biktima, taliwas sa sinabi nitong single siya.

Sa pagtatalo, nadulas umano si Loslos at naumpog ang kaniyang ulo at sinakal umano ito ni Worth hanggang sa mamatay.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bacoor CPS si Worth at nahaharap sa kasong murder. 

CARLA BAUTO DEÑA