Hindi makaget-over ang kapwa celebrities at maraming netizens sa bentang-benta at viral na “wow mali” moment ng ASAP Natin ‘To singers na sina Angeline Quinto, Klarisse De Guzman at Jed Madela na tila nag-kaniya-kaniya nga ng eksena sa isang production number noong Linggo.

Makikita ang sari-saring reaksyon sa Instagram ni Angeline tampok ang iconic nang ASAP blooper.

View this post on Instagram

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

“Ganyan talaga pag live anu po?🤣✌️ Yung tawa ko mag isa sa backstage di ko na alam saan ako pupunta, 🤣😂🤓✌️✌️” mababasa sa aliw na caption ng singer.

"Patuloy ang paglakad este PANGARAP pala, 😍🤣" dagdag na hirit ng singer.

Segunda ni Klarisse: “Parang nanalamin lang sa mall.😂”

Maging ang OPM balladeer na si Erik Santos ay “tawang-tawa pa rin” sa viral clip.

Kabilang sa mga humalakhak din sa trending na eksena sa ASAP sina Maymay Entrata, Katrina Velarde, Amy Castillo, Nikki Valdez, Kakai Bautista at mismong si Jed.

Basahin: ‘Ang daming nangyari!’ Eksena nina Angeline, Klarisse at Jed sa ASAP, viral; netizens, tawang-tawa! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman, ilang netizens na ang humingi ng “story time” sa singer -- ano ng aba ang nangyari sa prod at tila litung-lito ang mga singer?

“Hindi kasi kami nasabihan agad na kami na ang susunod na prod. Pag-akyat ko ng stage narinig ko intro na ng kanta ni Kuya Jed, ayun umexit ako ulit, 🤓🤓” pagpapaumanhin na ng singer sa netizen at inihirit nga ang behind the scene sa viral na blooper.

Isa pang netizen ang sinagot ni Angge sa parehong tanong: “Hindi kasi kami na-advise na kami ang susunod na prod. Kaya ayun. 🤓”

Gayunpaman, anang netizens ay good vibes naman ang kinalabasan ng epic video.

Kaliwa’t kanang kopya ng blooper na ang ikinahalakhak ng marami online.