Serving hotness ang peg nina Chie Filomeno at Jake Cuenca sa isang Instagram photo na ikinawindang ng kapwa celebrities at netizens. Tanong na ng lahat – Instagram official na ang ‘couple?’

Black and white magazine photo ang unang larawan ni Chie at Jake sa IG ng aktor. Kaniya-kaniya namang react ang ilang tropa sa showbiz kasunod ng viral nang photo.

View this post on Instagram

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Nice!” sey ni Kapuso star Carla Abellana.

“Wewwwww ❤️,” segunda ni Marco Gumabao.

“Yaaaaaan!!@juancarloscuenca🔥” komento rin ng tropang si Kean Cipriano.

“Galing ng shot!” pagkamangha naman ni Janno Gibbs.

Maging casual netizens at fans ay may sey rin obviously sa larawan.

“Ginalaw na ang basoooo ❤️🔥” komento ng isang netizen.

“No more 🔥 emoji eyyy 🤙🏼🤙🏼🤙🏼” pilyang komento ng isa pa.

Matatandaan ang masugid na pa-fire emoji noon ni Jake sa mga larawan ni Chie sa Instagram. Dito nga unang naintriga ang dalawa.

Basahin: Jake Cuenca, walang humpay pa rin sa pa-apoy kay Chie Filomeno – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala kamakailan, rekta nang sinabi ng aktor na bet niya talaga si Chie.

“I’m admiring her. I guess I can say that,” sey ni Jake.

Dagdag pa ng aktor na alam ng aktres na may paghanga siya rito, “She knew that I admire her. Before anything, like it’s just, very ano lang.

“We’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company.”

Basahin: Jake Cuenca, may sey na sa real score nila Chie Filomeno! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang na-link noon si Chie sa young singer-actor si Kyle Echarri habang ang si Viva sexy actress Kylie Verzosa naman ang huling nakarelasyon ng Kapamilya actor.

Sa ngayon, abang-abang naman ang lahat kung saan hahantong ang dalawa.

Sey niyo?