Maluha-luha ang pinakabagong Tawag ng Tanghalan champion na si Lyka Estrella nang ma-meet na rin agad si Asia’s Songbird Regine Velasquez kamakailan.

Ito ang makikita sa viral post ng isa sa mga creative ng ASAP Natin ‘To na si Darla Sauler nitong Linggo, Mayo 7.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Lyka Estrella naiyak sa rehearsals para sa unang salang niya sa ASAP and meeting Ate Reg!” mababasa sa caption ni Darla sa kaniyang post.

Basahin: Lyka Estrella, itinanghal na grand champion ng ‘Tawag ng Tanghalan’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang isang raw lang matapos tanghaling ikaanim na TNT champion noong Sabado ay agad na sumalang agad si Lyka sa naturang Kapamilya Sunday musical show.

Dito ay nakasama na rin agad niya sa stage ang ilang maningning na singing champions ng network kagaya nina Angeline Quinto, Klarisse De Guzman, Jed Madela at kapwa TNT champs na sina Janine Berdin, Reiven Umali, at JM Yosures, bukod sa maraming iba pa.

Naluluha at hindi pa rin makapaniwala ang newest Kapamilya champ sa tinatamasang tagumpay.

Lalo ngang naging espesyal ang unang salang ng singer sa ASAP nang ma-meet na nito sa wakas si Songbird.

Paglalarawan ni Lyka sa kaniyang experience sa isang Facebook live nitong Lunes: “Oh my God, grabe talaga iyak ko nung rehearsal before nag-ASAP kasi sobrang starstruck po talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko.”

Basahin: ‘Ang daming nangyari!’ Eksena nina Angeline, Klarisse at Jed sa ASAP, viral; netizens, tawang-tawa! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Lyka na tubong General Santos City ang sumunod kay Reiven Umali at ang pinakabagong TNT champ matapos ang anim na taong pag-ere ng segment sa “It’s Showtime.”