Usapang sabon lang sana na nauwi sa laugh trip na banter nina Jillian Ward at Facebook icon Senyora ang ngayo’y viral post ng huli.

Mega-viral na ang post ni Senyora sa kaniyang Facebook page kasunod ng reaksyon ng Kapuso young star sa tila hugot lang nito ukol sa sabon.

“Anong body soap nyo? Revealing mine soon,” mababasang post kamakailan sa verified page ni Jillian.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hugotera namang si Senyora: “Ang gusto kong malamang sabon e yung gamit nng mga ang lilinis ng tingin sa sarili.”

Kung aakalaing makikisimpatya ang young star sa online personality ay tila na-“back to you” naman ito sa huli.

“Sabon mo po yun di ba, Senyos? Char. Labyu po hehe,” pilyang sey ni Jillian.

“Ah talaga ba Doc Analyn?? Sumasagot ka na ha,” nasabi na lang ni Senyora sa ngayong viral screenshot ng kanilang laugh trip na interaksyon.

Umabot na sa mahigit 266,000 reactions, kalakhan ay natatawang netizens ang inani ng naturang post.

“Kojic sabon ko. Ang sabon ng mga proud morena kuno pero patagong ginagamit,” pagtatapos na saad ni Senyora na ikinatawa muli ng nasa hgit 17,000 followers.

Kilala sa kaniyang witty at engaging social media posts, si Senyora ay kadalasa’y viral din dahl sa kaniyang interaksyon online sa mga sikat na celebrities kabilang nina Pia Wurtzbach, Ivana Alawi, at Moira Dela Torre, bukod sa iba pa.

Basahin: LOL! Moira Dela Torre, sinupalpal na naman si Senyora – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid