Viral pa rin hanggang ngayon ang hot take ni celebrity doctor Vicki Belo matapos maibahagi kay Isko Moreno ang saloobin kung talaga bang big deal ang laki ng ari ng isang lalaki pagdating sa sex.

Noong Abril pa unang lumabas sa YouTube series na Iskovery Night ang panayam sa kilalang doktora.

Matapos ang higit tatlong linggo ay patuloy pa rin itong usap-usapan partikular na sa TikTok.

Lalong trending pa ito nang matalakay ang juicy na tanong, “Does size matter?”

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

“Hindi lang naman ang hinahanap nila ang pampagising pampagising. Eh yung pampahaba rin hinahanap ng mga lalaki. Ayan na may mga nakaka-relate na,” sey ni Isko sa putol na bahagi ng panayam sa TikTok account ng naturang online show.

“Can I just say something? Okay, Isko. Can I just tell every guy out there? Mali kayo,” paghirit na ni Belo.

“It’s not all about the size?” tanong na si Isko.

“Ayaw naming ng mahaba, gusto naming mataba. Masakit actually ‘pag mahaba,” rektang pag-amin ng doktor.

“Aaah,” tila natuto namang reaksyon ni Isko.

Lalo pang paliwanag ng celebrity doctor: “Kayo ang naha-hang up d’yan sa mahaba.  Ayaw naming ng mahaba pero gusto naming mataba. Kahit maiksi pero mataba.”

“Ano Ma Ling?!” pilyong pagtugon pa ni Isko.

“Ewan kasi, basta maabot mo. Ganito lang naman, ano gagawin mo ng ganun [size]?” paliwanag pa ni Vicki.

“Otso bilog, dos haba? Ulo na ng bata ‘yun eh,” natatawang sey pa ng dating alkalde.

Sa comment section ng viral post, pawang pagsang-ayon naman ng kapwa kababaihan kay Dra. Vicki ang mababasa.

“True yan nung first time ko makipag meet sa AfaM jusko punit tlga nilagnat ako kinagabihan 🤣🤣,” walang pagkiyemeng pagbabahagi ng isang netizen.

“Actually doc belo is right alam nyo yan mga nagka afam like me! It hurts at hindi na masarap puro sakit lang!” segunda ng isa pa.

“😂😂😂 Size does not matter haha it’s the performance level! 😂😂” hirit ng isa pang babaeng TikTok user base sa kaniyang pangalan at display photo.

“I agree with Belo.❤️”

“It's not about the car, its about the driver!!!😁🥴🤭😅😂” malikhaing sey din ng isa pa.

“Left the Earth na naman kaming mga wala pang experience 😂 pero noted, Dra!” pilyang komento ng isa ring netizen.

“Basta love ako at hindi cheater okay na sakin kahit kapiranggot pa yan, 😂” tila palaban at laugh trip din na saad ng isang TikTok user sa viral post.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 980,000 views na ang get-real na bahagi ng interview.