Confused at tawang-tawa ang maraming netizens sa viral blooper video nina Kapamilya singer Klarisse de Guzman, Jed Madela at Angeline Quinto na makikitang gulong-gulo sa kanilang blocking habang live na naka-ere ang ASAP Natin ‘To noong Linggo.

“Ang daming nangyari!” Ito ang isa sa mga laugh trip na komento ng maraming netizens matapos tila hindi magkasundo ang mga singer sa kanilang blocking sa naturang Sunday variety show noong Mayo 7.

Sa una kasi, makikitang lumabas onstage sina Jed at Klarisse. Kung aakalaing duet ng dalawa ang segment ay plot twist na lang bigla ang naputol na sana’y bahagi ng kanta ng birit queen.

Sunod namang makikita ang tila pagrampa ni Angeline sa likod ng dalawa na anang netizens ay parang wala lang nangyari.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Ilang kopya ng video ang viral na online. Kabilang nga rito ang tawang-tawang miyembro ng Main Pop Girls Stanposting sa Facebook nitong Lunes.

“Wait ano nangyari???? Ahahhahaha,” confused na reaksyon ng isang miyembro.

“POTAENAAAA HAHAHAHAH LAPTRIP KAY ANGELINE TAPOS SI KLARISSE INIHABOL PA YUNG "PANGARAP KO" HAHAHAHAHAHAAHAH,” segunda ng isa pa.

“Ang daming nangyayari, wait!” saad ng isa pang nalokang member ng group.

“Lumakad lang si angeline na parang walang nangyare.😭

“Si Angeline, parang nag-mall lang!”

“Lasing ata si Klang. Si Angge naman forda rampa, hinawi pa ang buhok.😭😭

“Angeline window shopping!😂

Sa kaniyang Twitter, kuwelang napa-react na maging si Klang sa viral video.

“Isang karangalan po na ma-kanta ko ang linyang “Ngarap ko” on ASAP stage. Thank you  @ASAPOfficial. Hinatid ko lang talaga si kuya Jed,” laugh trip na sey niya.

https://twitter.com/Klarissedguzman/status/1655509644855607297

Samantala, hindi naman idinetalye ng singer ang naganap sa likod ng viral blooper.

Tuwing unang Linggo ng buwan, live na live ang show ng ASAP Natin ‘To. Tila patunay naman ang blooper sa literal na “the show must go on” na peg lalo pa’t walang pwedeng edit o cut sa eksena.

Sa huli gayunpaman ay good vibes ang naging hatid ng viral video online.