Hindi na pinabigyan ng ECHO ang former title holder ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Blacklist Internation sa grand finals ng kompetisyon at tinapos ang laban sa 4-0 standing.

Ang grand finals ay ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City, naging rematch ng dalawang grupo — na sila ring naglaban sa M4 World Championship grand finals na ginanap sa Indonesia at na-sweep din ng ECHO.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iuuwi ng ECHO ang malaking bahagi ng $150,000 o humigit-kumulang na ₱8.25 milyon na papremyo.

Ang EXP laner naman ng ECHO na si Sanford "Sanford" Vinuya ay itinanghal na finals Most Valuable Player (MVP).

Samantala, kakatawanin ng ECHO at Blacklist ang Pilipinas sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 ngayong Hunyo sa Cambodia.