Iniutos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na i-recall ang ipinamahaging libu-libong de-latang tuna dahil na rin sa reklamo ng mga apektado ng oil spill sa Mindoro na hindi umano ito ligtas na kainin.

Ang tinutukoy na de-latangtuna na kabilang sa family food packs ay naipamahagi ng DSWD sa Calapan City, Oriental Mindoro kamakailan.

"It is unfortunate that Ocean's Best Tuna, one of the items included in the DSWD's Family Food Packs, has been the subject of numerous complaints from recipients/beneficiaries of the FFPs," ayon sa pahayag ng the DSWD nitong Sabado.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na hindi pa expired ang mga ito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hihilingin ng DSWD sa supplier na palitan ang mga item bilang tugon sa mga reklamo sa naturang rehiyon.

Ang pamamahagi ng family food packs ay bahagi ng pagtulong ng ahensya sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa naturang lalawigan.