QUEZON - Patay ang isang pulis matapos barilin sa nirespondehang road rage incident sa Candelaria nitong Sabado ng umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Peter Paul Hospital ang biktima na si Corporal Reniel Marin, nakatalaga sa Candelaria Municipal Police Station, dahil sa tama ng bala.

Pinaghahanap na ng pulisya ang bumaril kay Marin na si Efren Azul, umano'y Army reservist, na kaagad na tumakas matapos isagawa ang pamamaslang.

Tinutugis din ng mga awtoridad si Teodolo Rustia na sangkot naman sa pamamaril kay Morfie Azul.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Sa police report, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa pamamaril ni Rustia kay Azul sa isang road rage incident sa Sitio Bagong Pook, Barangay Bukal Sur, nitong Mayo 6 ng umaga.

Muntik na umanong magsalpukan ang sinasakyan motorsiklo nina Rustia at Azul na nagresulta sa pamamaril kay Azul.

Isinugod sa ospital si Azul dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Kaagad namang pinuntahanng grupo ni Marin ang bahay ni Rustia para sa follow-up investigation at pag-aresto sana sa huli.

Habang iniimbestigahan ng grupo ni Marin ang asawa ni Rustia, biglang dumating si Efren at binaril ang kanilang grupo sa pag-aakalang ang mga pulis ang bumaril sa kanyang kapatid.

Sugatan din sa insidente ang dalagitang anak ni Rustia.

Inihahanda na ang kaso laban sa dalawang suspek.