Umakyat pa sa 19.3 porsyento ang nationwide coronavirus disease 2019 (Covid-19) positivity rate ng bansa nitong Mayo 6.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Guido David nitong Linggo, nasa 1.5 puntos na pagtaas mula sa dating 17.8 porsyentong nationwide positivity rate na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Mayo 5.

Nitong Mayo 6 aniya, nakapagtala rin ang bansa 1,878 bagong kaso ng virus, mas mataas sa naitalang 1,563 lamang noong Mayo 5.

Nasa 4,100,868 na ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas mula nang maitala ang unang kaso nito noong 2020.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'