Ibinahagi ng batikang newscaster na si Korina Sanchez-Roxas ang kaniyang appreciation post sa mga kasambahay na katuwang niya sa pag-aalaga sa kambal na anak na sina Pepe at Pilar Roxas.

Ibinahagi ni Korina sa kaniyang Instagram post noong Mayo 1, paggunita sa Labor Day, ang litrato nila ng kambal kasama ang mga kasambahay.

"A shoutout of gratitude to all the help I have in caring for and bringing up my Pepe en Pilar.🥰 Wouldn't know what to do without Jessica, Maricel, Roseann, Brenda and MarkJohn. Salamat gid. Happy Labor Day mga palangga namin sa balay. Family," ani Korina na may hashtag pang #Grateful.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaang inireklamo na si Korina noon ng kaniyang dating kasambahay na si Bernardita Inocencio ng physical injuries at delayed na pasuweldo subalit nabasura ang kaso dahil sa kakulangan ng matibay at sapat na ebidensya.

Noong 2020 ay nagbigay ng birthday treat si Korina sa kaniyang dalawang kasambahay bilang "pambawi" raw dahil madalas niyang masermunan.

"Having good help in the house is the #BestLife💚 We owe it to them to celebrate their lives," bahagi ng kaniyang post.