Isa pang gintong medalya ang nasikwat ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Phnom Penh, Cambodia nitong Linggo.
Ito ay nang matalo ni Marc Alexander Lim si Dinh Tung Dang (Vietnam) sa jiu-jitsu sa men's Ne-waza Nogi -69kg class.
Ito na ang ika-13 na gold medal ng bansa at ikatlo naman ng jiu-jitsu team.
Ang unang gintong medalya ng kanyang koponan ay napitas ni Jenna Kaila Napolis sa women’s ne-waza Gi 52kg class nitong Huwebes.
Si Annie Ramirez naman ang sumunod na nakakuha ng medalya nitong Sabado matapos magtagumpay sa women's ne-waza nogi -57kg competition.