Kung kamakailan lamang ay naging trending ang isang charcoal at graphite artist dahil sa pag-pray over at pagbato sa kaniya ng bible verses ng kaniyang kliyente, viral naman ngayon ang convo sa pagitan ng isang arkitekto at kliyente na nagpapagawa sa kaniya ng blueprint o plano para sa disenyo ng kaniyang ipapatayong bahay.

Ibinahagi sa Facebook page na "Palacio Architectural Services" ang screengrab ng naturang kumbersasyon. Mababasa sa convo na nagpadala ng private message ang kliyente sa Messenger ng arkitekto upang magtanong kung magkano magpagawa ng architectural design para sa isang lote na may 150 square meters.

Sagot naman ng arkitekto, ₱105k ang singil nila para sa 150 sqm floor area kasama na ang printing at revisions.

Ngunit tila namahalan naman dito ang kliyente. Sagot nito, ipapadrawing na lamang ito sa inaanak niyang Architecture student na libre pa.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

"Ok ma'am I understand po. Just let me know if magbago po isip n'yo," sagot ng arkitekto.

Ngunit tila humirit pa ng tawad ang kliyente, "Kaya ₱1,500 hehe."

Komento naman sa FB page sa pamamagitan ng caption, "

"Architectural design is no easy task. The structural integrity of any building lies in thorough planning and proper execution."

"Trusting a licensed professional to design and build your house is just as important as getting the right doctor to perform surgery," ayon sa caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Akala yata ng mga tao, drawing-drawing lang ang archi design hahaha."

"Samin dito ₱35k design pa lang.. wala pa structural, plumbing, and electrical design na 'yan.. mahal po talaga kasi hindi easy… I tried using online apps halos mabaliw ako hahahaha di ko keri."

"She doesn’t have any true idea of the profession. We just have to manage when we have clients like this and maybe time for us to share what architect and architecture is."

"Imagine you worked hard to pass every semester, years and years of studying, passed the board exam at magiging salary mo is 1500."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!