Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa mga awtoridad na paigtingin pa ang pagbabantay sa baybayinn ng Zamboanga City laban sa illegal drugs.

Ginawa ni Abalos ang panawagan kasabay na rin ng paglulunsad ng "Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan" (BIDA) program sa lungsod nitong Sabado.

“Mayor (John) Dalipe told me the problem here in Zamboanga City is its large coastline. So, there is a need to strengthen seaborne and coastal patrol here,” pahayag ni Abalos.

“We must check on our borders because the worst part of it is we might become the dumping ground of illegal drugs," anang kalihim.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaugnay nito, makikig-ugnayan na si Abalos sa Philippine Coast Guard upang matiyak na walang makalulusot na iligal na droga sa lugar.

Hinikayat din nito ang pulisya sa lungsod na palakasin pa ang kanilang intelligence operation kontra iligal[ na droga upang mabuwag na ang drug syndicate sa lugar.