Nagdulot na ng oil spill ang pagtaob ng MV Hong Hai 189 matapos masalpok ng MT Petite Soeur sa Mariveles, Bataan nitong nakaraang buwan.

Ito ang isinapubliko ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Mayo 6, at sinabing tinatayang nasa 50 litro na ng langis ang tumagas sa nasabing barko.

"Personnel of the Philippine Coast Guard Station Bataan and Marine Environmental Protection Unit (MEPU) assisted in installing oil spill booms and absorbent bags and observed no additional traces of an oil spill in the vicinity waters," ayon sa social media post ng PCG.

Tiniyak ng Coast Guard na babantayan pa rin nila ang sitwasyon sa posibilidad na lumala pa ang insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang tumaob ang naturang barko matapos masalpok ng oil tanker sa bisinidad ng Corregidor Island nitong Abril 28 na ikinasawi ng tatlong tripulante.