Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang "pagpapasikip" ng nanay ni Antonette Gail Del Rosario, batay na rin sa pagbabahagi nito sa social media, ng partner ni Whamos Cruz.

"MAGPAPASIKIP SI MOMMY NG K*PYAS NIYA #ANTONETTEGAIL," caption ni Antonette Gail sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Mayo 3.

Sey naman ng nanay ni Antonette Gail, parang kinakabahan daw siya at hindi maintindihan ang pakiramdam.

"Para hindi na kami magkaroon ng kapatid kasi ang dami na po namin," pabirong sundot ni Antonette Gail.

Antonette Gail, nagpaliwanag kung bakit nagpaayos ng ilong; Whamos, dumepensa

Subalit sa comment section ay tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang ginawang pag-broadcast ni Antonette sa procedure na pagdaraanan ng ina.

Makikitang kasama ng mag-ina ang partner na si Whamos, na dati ay hate na hate ng nanay ni Antonette, subalit sa pagdaan ng panahon ay nagkasundo na rin sila.

"Forda content hahaha…"

"Pati ba naman ('yan) dapat i-broadcast?"

"Ang ganda ng ngiti ni Mommy samantalang gigil na gigil noon nagpa-Tulfo…"

"Hindi talagang kayang pagtakpan ng anumang rangya at salapi ang breeding ng isang tao. Tumatagal lumalabas ang tunay na ugali ng gf ni Whamos, gusto niya lahat ipagmayabang, at malaman ng tao kahit pa kahiya-hiya."

"Sarap ng tawa ni Lola pero dati gigil na gigil kay Whamos."

"Do you really have to talk about your mom’s 'thing' in public? That is so sad… grow up guys."

Samantala, kamakailan lamang ay umani rin ng reaksiyon sa madlang netizens ang pagpapailong naman ni Antonette Gail, na aniya ay napilitan niyang gawin dahil naaksidente siya at tumama ang ilong sa isang lamp shade.