Ibinahagi ng social media personality na si Antonette Gail Del Rosario ang kaniyang video kung saan makikitang tila may tapal ang kaniyang ilong at dumaan sa isang nose procedure.

Ngunit ayon kay Antonette, kinailangan niyang magpa-nose surgery dahil nabalian siya ng buto ng ilong matapos ang isang aksidente.

Kuwento nilang mag-partner, nag-aayos ng ilaw si Antonette nang di-sinasadyang madulas siya at mahulog. Tumama ang kaniyang ilong sa isang matigas na bagay na naging dahilan upang mabalian siya ng buto sa ilong.

Ngunit sa comment section ay tila hindi naging kumbinsido ang mga netizen at sinabihan nila si Antonette na baka naman balak talaga nitong magpaayos ng ilong.

National

Alice Guo, muling tatakbo para sa susunod na eleksyon – abogado

"Manood maigi bago mag-comment lalo na sa mga di nagtatapos ng vlog jan tapusin n'yo nang malaman n'yo kung baket nagpaayos," ani Whamos.

"Kaya po ako nagpaayos ng ilong dahil may bali pong buto sa loob ng ilong ko gawa ng naaksidente ako," depensa ni Antonette Gail.

Sey naman ng mga netizen, wala naman dapat ipaliwanag si Antonette sa kaniyang bashers dahil karapatan naman niyang gawin kung anong mga bagay na makabubuti para sa kaniya.

Matapos ang operasyon ay ibinahagi ni Whamos ang kaniyang pag-aasikaso kay Antonette Gail.