Kumpleto na ang lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia sa susunod na linggo.

Naidagdag sa final 12 players ng National team sina Ateneo de Manila University (ADMU) player Jason Amos, point guard na si Jerom Lastimosa (Adamson University), at De La Salle University (DLSU) 6'8" player Michael Phillips.

Nitong Sabado, iniulat ng sports analyst na si Quinito Henson na kumpleto na ang koponan dahil na rin sa pagkakadagdag nina Amos, Lastimosa at Phillips sa lineup.

Layunin ni Gilas head coach Chot Reyes na mahablot muli ang gintong medalya na naagaw sa kanila ng Indonesia sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam noong Mayo 2022.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Kasama rin sa lineup sina Justin Brownlee, Christian Standhardinger, Calvin Oftana, Marcio Lassiter, CJ Perez, Chris Newsome, Chris Ross, Brandon Ganuelas-Rosser, and Arvin Tolentino.

Naging reserba naman sina Benjamin Phillips, Jeremiah Gray, at Aaron Black.

Unang makakalaban ng Gilas ang Malaysia sa Mayo 9, Cambodia sa Mayo 11 at Singapore sa Mayo 13.