Muling dadayo ng Pilipinas ang South Korea pop star Cha Eun Woo sa Hulyo 2.

Ito ay inanunsyo ng doughnut brand na Dunkin' Donut sa social media accounts nito nitong Mayo 5.

Si Eun Woo ay naging brand ambassador ng Dunkin' nitong Marso.

"Get your hearts ready for a night of Cha Eun-Woo this July 2, 2023. Stay tuned on Dunkin’ PH Official Page for more details," caption sa post ng nasabing food brand kalapit ang "#ChaEunWooDunkinPH."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Wala pa namang pormal na anunsyo hinggil sa pagdadausan ng event at presyo kung sakaling magbebenta ng ticket.

Matatandaan na nagdaos na rin ng fan meeting si Eun Woo nakaraang taon sa Smart Araneta Coliseum para sa kaniyang JUST ONE 10 MINUTE.

Si Eun Woo ay miyembro ng Korean pop boy group na ASTRO. Bukod sa pagiging idol, nakilala rin ito sa pagganap niya sa ilang K-series tulad ng “My ID is Gangnam Beauty,” “Rookie Historian Goo Hae-Ryung,” at “True Beauty.”