Isang cargo vessel ang sumadsad sumadsad sa karagatang sakop ng Zamboanga City nitong Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Patungo na sana sa Leyte ang MV Audie mula General Santos City nang maganap ang insidente.

Sa report ng Coast Guard, kaagad nilang nirespondehan ang pinangyarihan ng insidente sa binisidad ng Little Santa Cruz Island nitong Mayo 5.

Sa pahayag naman ng kapitan ng barko, malakas umano ang agos sa lugar na nagresulta sa pagkasadsad ng sinasakyan nilang barko.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

Idinagdag pa ng PCG, nasagip nila ang lahat ng tripulante at walang nakitang bakas ng oil spill sa lugar.

"The Coast Guard District Southwestern Mindanao continued to monitor MV Audie for further assistance,” pahayag pa ng PCG.