Patay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang isang babae matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa harap ng isang paaralan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Barangay Fairview, Quezon City noong Huwebes, Mayo 5.

Sa ulat ng pulisya, nakatayo ang mga bata sa harap ng North Fairview Elementary School alas-7:40 ng gabi nang biglang bumangga ang bus sa isang sport utility vehicle (SUV).

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nasa kustodiya ng Quezon City Police District-Fairview Police Station (PS5) ang driver ng bus para sa masusing imbestigasyon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Diann Ivy Calucin