Bumuhos ang pagmamahal mula sa fans at netizens para kina Miles Ocampo at Angel Locsin kamakailan.

Kapansin-pansin sa dalawang TV personalities ang naging weight gain nito na noong una’y lingid sa publiko ang naging dahilan.

Basahin: Angel Locsin, wala pa sa planong magbuntis, may ‘Hashimoto disease’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Abril 2022 nang ibinahagi ni Angel ang isang autoimmune disease na dahilan ng pagbabago ng kaniyang katawan at ang pasyang ipagpaliban muna ang pagbubuntis nila ng asawang si Neil Arce.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Angel Locsin, wala pa sa planong magbuntis, may ‘Hashimoto disease’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa Mayo Clinic, ang Hashimoto’s disease na medikal na sitwasyon ng aktres ay isang autoimmune na karamdaman na nakaaapekto sa thyroid gland ng isang tao.

“An autoimmune disorder is an illness caused by the immune system attacking healthy tissues. In Hashimoto's disease, immune-system cells lead to the death of the thyroid's hormone-producing cells. The disease usually results in a decline in hormone production (hypothyroidism),” anang nasabing medical website at idinagdag na karaniwang pasyente nito ang “middle-aged women.”

Sa kabilang banda noong Abril ngayon taon, isang medical emergency rin ang matagumpay na naagapan ni Miles matapos ma-diagnose naman ng Papillary Thyroid Carcinoma, isa sa mga karaniwang uri ng kanser na tumbok din ang thyroid ng isang tao, ayon sa medical website na WebMD.

Kalauna’y nagresulta ito ng isang operasyon at isiniwalat nga ni Miles na isa sa mga dahilan ng kaniyang weight gain.

Basahin: Miles Ocampo may pakiusap tungkol sa body shaming – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang megal viral post kamakailan, inulan naman ng pagmamahal ang kapwa aktres mula sa netizens.

Bagaman kita ang pagbabago sa kani-kanilang pangangatawan ay pawang positibong pagtanggap at papuri lang ang natanggap ng dalawa online.

“Both pretty and good actress,” komento ng isang netizen.

“The best actress and two beautiful human. Chubby man atlis pretty padin,🤍🥰” segunda ng isa pa.

“Love these two pretty Filipino actress[es]! Having a genuine heart, and loving person!”

“Miles underwent surgery on her Thyroid problem. That’s the reason she gains so much weight. Angel also may health issues. Be careful on how you choose your words. Lahat ng tao may pinagdadaanan. Be kind,🙏” paalala rin ng isang netizen sa comment section.

“Beautiful inside and out!”

“Because of the health condition, people will gain weight. Don’t judge them on what they look like. They are battling against their health issues. Just like Selena Gomez as well. Please be kind to one another.❤️

“Never body shame people whom you don't know what they are going through,” dagdag na paghikayat din ng isang Facebook user.

“Beautiful souls! Love them in any form. Beauty is just an expiring appearance. Their legacy shines most beautiful inside and out. ♥️

“Both beautiful in and out! God bless you more! ❤️

“I love you two🥺through thick and thin! ❤

“Both beautiful inside and out no matter wat happen to there shape Miles and angel!❤️❤️❤️

Nasa mahigit 815,000 reactions at 19,000 shares na ang pinusuang viral post sa pag-uulat.