Nagresulta sa isang malalim na diskusyon online ang isang makahulugang post ni Kapuso comedy genius Michael V ukol sa pagiging isang content creator.

Anang kapwa content creator kasi, ang unang dapat na maintindihan ng mga “content creator” ang ang salitang “content.”

Tsika at Intriga

Yassi Pressman sinita dahil sa pandesal, bumwelta agad

Sa dami ng mga gumagawa ng online content lalo na sa Pilipinas, naglipana na ang mga content creator na may kaniya-kaniyang network ng followers o impluwensya sa publiko.

Kasabay nito ang hindi naman masalang uri ng mga content at bitbit nitong epekto sa netizens o mga taong komokunsumo sa kanila.

Kabilang sa mga nakisimpatya sa saloobin ni Bitoy ang doktor na si Dr. Kilimanguru na kilala sa kaniyang mga health-related content.

Basahin: 3 senyales na ‘di ka pa ‘mentally ready’ para magkajowa, ayon sa isang doktor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Amen brother.🙂It's not about views. It's about value,🙂” pag-agree din ni Kapuso host Kuya Kim Atienza.

Kaniya-kaniyang saloobin mula sa mga regular na netizens naman ang mababasa rin sa viral post.

“I think they know what it means. The problem is they don't stop to think whether they should do it,😏” sey ng isang netizen.

Para sa ilan din, may responsibilidad din anila ang kaswal na mga konsyumer sa naturang usapin.

“The real problem is what people like to consume. No matter how educational or informative your contents are, if Filipinos prefer to consume garbage, it will not stop. I mean, just look at all the thieves in the government that the Filipino people keepvoting for,” anang kilalang page na The UDM Files sa parehong post ng komedyante.

Basahin: CHEAT SHEET: Tips bago pasukin ang vlogging industry sa galaw ng internet sa Pilipinas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Filipinos like garbage so much then we wonder why we are still poor,” pagtatapos nito.

“I think it’s the netizens/viewers. We can’t control what other people do. But it’s us netizens have the power to make someone/something viral. Pag walang tumatangkilik wala d[i]n magko-content,🤭🤭🤭” talak ng isa pa.

“I think the fans are the worst, enabling and patronizing these kinds of nonsense contents. Cringy talaga yung pinagkakaabalahan ng oras ng mga Pilipino,” segunda ng isa ring netizen sa saloobin ni Bitoy.

“Should not be just for the likes and views. [It] should be something informative that everyone can learn.”

“And the subscribers also need to be wise in choosing the "creators" they'll follow.. not because it makes you laugh, means it's the best for you.. just sayin'..”

“The second thing is for the viewers to understand that every content feeds their mind.😌

“Yes, it must have a value, they must learn about the audience, foul language must be filtered, and must consider the viewers especially the kids and the young generation. They should follow guidelines and discipline.”

Sa huli, umabot ng nasa mahigit 569 sari-saring komento at 14,000 reactions ang naturang post ni Bitoy sa pag-uulat.