June 07, 2026

Home BALITA National

Pambara sa mangga? Sen. Imee, may dambuhalang inhaler para kay Rep. Ridon

Pambara sa mangga? Sen. Imee, may dambuhalang inhaler para kay Rep. Ridon
Photo courtesy: Terry Ridon, Imee Marcos/Darryl Yap (FB)

Tila "binack-to-you" ni Sen. Imee Marcos si Bicol Saro party-list Re. Terry Ridon matapos siyang asarin nito sa pamamagitan ng pagdadala ng prutas na mangga na nasa loob ng maleta, at tila pag-uyam sa kaniyang baba.

Ibinahagi ng senadora ang Facebook post ng kaibigan niyang si Direk Darryl Yap kung saan makikitang may yakap si Sen. Imee na isang higanteng inhaler.

"Senator Imee, galit na galit sayo si Terry Ridon, kahit di naman ikaw ang nagsabi na may inabot sa kanyang kaperahan; minamali nya pa na 'maleta' kahit di naman yun ang sinabi ng 18 marines—para malakas ang deniability nya. Tutal mahilig ka sa inhaler, eto oh ipasok mo planetarium nya," saad ng direktor.

Ibinahagi naman ito ng senadora sa kaniyang Facebook post at pasimpleng nilagyan ng caption na "Ay! Nashare!"

Matatandaang nauna nang asarin ni Ridon si Marcos nang mabanggit ang pangalan niya sa rebelasyon ng 18 ex-Marines sa naganap na Blue Ribbon Committee hearing kamakailan, kung saan, isa raw siya sa mga nakatanggap ng male-maletang pera, na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

National

PBBM, binigyang-pugay galing, tibay ng loob ng OFWs

Maki-Balita: Ilang mga dati, kasalukuyang kongresista, napadalhan umano ng male-maletang pera!

Maki-Balita: 'Lahat na lang may maleta... e 'di kayo na!' Rep. Ridon, tumirada sa 18 ex-Marines

"Wag mo siyang maTERRY TERRY!" saad ni Sen. Imee sa ginawang art card tungkol dito, na makikita sa kaniyang Facebook page.

Ibinahagi naman ito ni Rep. Ridon at kinomentuhan ng "Gano kababa binaba."

Samantala, ipinagdiinan naman ni Ridon na wala siyang natanggap na kahit na anong male-maletang pera na idineliver ng 18 ex-Marines sa iba't ibang mga personalidad.

Maki-Balita: Mangga at peluka, sokpa sa maletang dala ni Rep. Terry Ridon!

Maki-Balita: Terry Ridon, pinasilip laman ng ‘maleta’