Umakyat na sa 82 ang bilang ng Covid-infected persons deprived of liberty (PDLs) at mga tauhan sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, anang Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes, Mayo 5.

Sa isang pahayag, iniulat ng Director for Health and Welfare Services ng BuCor na si Dr. Maria Cecilia Villanueva na "mayroong 75 PDL na naka-isolate pa rin na may banayad na sintomas kabilang ang 15 senior citizens."

Pitong tauhan ang nagpositibo sa Covid-19 at pinayuhan na sumailalim sa self-isolation matapos silang mabigyan ng reseta medikal, ani Villanueva.

Sinabi rin niya na "13 PDLs ang na-discharge mula sa isolation ward ng NBP matapos ang negatibong resulta sa kanilang ikalawang rapid antigen test na isinagawa nitong Biyernes ng umaga, habang dalawang PDL ang inilipat sa ibang ward dahil sa iba pang kondisyong medikal."

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

"Walang naiulat na kaso ng Covid-19 sa iba pang kulungan at penal farm sa buong bansa," dagdag niya.

Samantala, ang mga pribilehiyo sa pagbisita ng mga PDL sa NBP at Corrections Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ay sinuspinde ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Inatasan din ni Catapang ang lahat ng bisita at indibidwal na nakikipagtransaksyon sa lahat ng tanggapan ng BuCor sa national headquarters na magsuot ng facemask at magpakita ng pinakabagong rapid antigen test.

Jeffrey Damicog