How true ang tsikang may tampuhan daw si Popstar Royalty Sarah Geronimo at G-Force founder Teacher Georcelle Dapat-Sy kaya naiba ang steps ng "Tala" sa pagtatanghal ng una sa 2023 FIBA Basketball World Cup Draw sa Araneta Coliseum noong Sabado, Abril 29, 2023.

Ayon sa ulat ng PEP, hindi raw ang signature dance steps ng naging TikTok craze na "Tala" ang sinayaw ni Sarah, at hindi raw G-Force ang naging back-up dancers niya.

In fairness naman daw ay maganda ang bersyon ng bagong steps, pero marami ang nagtataka kung bakit nagkaganito. Mas nakakaduda raw na may "something" dahil ayaw sumagot ng isang taga-Viva na sinusubukang usisain kung bakit may pagpapalit ng signature dance steps.

Ang siste, gusto raw ni Sarah na magkaroon pa ng iba't ibang dancers sa stage ng Araneta during her performance, dahil sa laki nga naman ng entablado.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Pero hindi raw ito nagustuhan ni Teacher Georcelle kaya nag-pull-out na lamang daw ang G-Force dito.

Napapatanong daw tuloy ang mga utaw kung kanino bang rights ang isang dance steps? Sa Viva ba na nagbayad sa choreographer para maglapat ng dance steps sa kanta, o sa mismong choreographer lang?

Anyway, bukas ang Balita sa panig nina Sara, Teacher Georcelle/G-Force, o maging ng Viva tungkol sa isyung ito.