Ibinahagi ng aktres na si Maris Racal ang kaniyang kakaibang karanasan habang nasa flight pabalik ng Maynila, na makikita sa kaniyang Instagram post noong Mayo 2.

Matatandaang nanggaling si Maris sa bansang Italy matapos dumalo sa Udine Far East Film Festival 2023. Siya kasi ang kinatawan ng pelikula nilang "Where Is The Lie" na dinirek ni Quark Henares.

Hindi raw nangimi si Maris na padedehin, patulugin, at kalungin ang isang baby ng katabing pasahero sa loob ng eroplano. Pag-amin ni Maries, nasa puso raw niya talaga ang mga babies. Sumasaya siya kapag nakakakita siya nito.

"Nagpadede, nagpatulog, at naging instant ina po tayo sa biyaheng pa Manila. 😂."

National

Dahil sa mataas na rating: PBBM, mas gagalingan pa raw ang trabaho

"When I saw na may baby akong katabi, my heart leaped out of my chest. Idk but I just love babies and I love baby sitting huhu! Glad to have helped a kababayan Mom during this trip! Yes masaya po ang tulog niya! See last photo 😭 so happy I met these two beautiful people!"

Sa comment section ay nangantiyaw naman ang mga netizen sa boyfriend niyang si Rivermaya vocalist-songwriter Rico Blanco na mukhang handa na raw si Maris na maging isang ina. Maging ang mga celebrity na sina Jolina Magdangal, Iza Calzado, Darren Espanto, Loisa Andalio, at Angelica Panganiban ay nangantiyaw na rin sa kaniya.

Isang netizen naman ang nagpatotoong mahilig talaga sa baby si Maris.

"Yes it's true! If you still remember, one of the prod staff po ako sa concert ni Sue Ramirez and dinala ko yung baby ko since bday niya din non. Then super tuwang-tuwa ka sa kaniya. Binuhat mo siya and play with him! Kaya until now nakatatak sa akin how genuine and sweet you are… plus di ko makalimutan yung scent mo, napakabango! 🥰 God Bless sa'yo!"