Arestado ang magkapatid na kabilang sa Top Most Wanted Persons Regional Level para sa kasong murder nitong Huwebes, Mayo 4, sa Purok 3, Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Inaresto ang mga suspek na sina Josh at John, hindi tunay na pangalan, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Leo Felix S. Domingo, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 28, Bayombong Nueva Vizcaya na may petsa na Marso 27, 2023.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Walang inirerekomendang kaso sa dalawang akusado.

SInabi ni Police Major Jolly Villar, public information officer Nueva Vizcaya Police Provincial Office, na dinala na ang mga suspek sa Bagabag Police Station para sa dokumentasyon.