Nag-donate ng ₱1.2 milyong cash ang Police Regional Office (PRO) 4B sa mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag ni PRO4B director Brig Gen. Joel Doria at sinabing ang salapi ay donasyon ng kanilang mga tauhan sa lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA).

Aniya, ang donasyon ay nai-turnover na nila kay Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz.

Kabilang sa mga nagbigay ng donasyon ang MIMAROPA Regional Headquarters (RHQ); Regional Mobile Force Battalion (RMFB); Regional Highway Patrol Unit (RHPU); Regional Medical and Dental Unit (RMDU); Regional Forensic Unit; Regional Intelligence Unit (RIU); Regional Special Training Unit (RSTU); and the Regional Drugs Enforcement Unit (RDEU); limang Police Provincial Offices at isang City Police Office (Oriental and Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, Palawan, and Puerto Princesa City); at ang Directorate for Police Community Relations (DPCR). 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Doria sa mga tauhan nito nakibahagi sa naturang hakbang upang matulungan ang mahihirap na pamilyang naapektuhan ng oil spill incident noong Pebrero 28.

Nasa 4,839 pamilya sa 11 barangay sa Pola ang naapektuhan ng oil spill.

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro habang naglalayag mula Bataan patungong Iloilo.

Karga ng oil tanker ang 800,000 litrong industrial fuel oil nang maganap ang insidente.

Aaron Recuenco