Anang netizens, parang “basic” lang daw at “ambaba pa rin” ng kanta sa nakunang latest version ni “Fearless Diva” Jona Viray sa contest piece na “I Believe” sa isang private lounge kamakailan.

Ito ang sari-saring komento ng fans ng Kapamilya singer sa pangmalakasang biritan sa video ng TikTok user na si Noul Burce Filan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kasama si Meme Vice Ganda at “R&B Queen” Kyla, isa si Jona sa mga nag-perform sa isang private gathering sa Antipolo noong Abril 30.

Isa nga sa mga kinanta ng Kapamilya singer ang hit ni American Idol champion Fantasia Barrino sa 2004 “Free Yourself” album.

Kilala ang kanta bilang vocally demanding, bagay na tila hindi naman para sa Kapamilya singer.

Smooth, at gamay na gamay lang ni Jona ang kanta na binigyan pa ng sariling kulay gamit ang pangmalakasang head voice.

Maging ang isa sa mga highlight birit sa dulo ng kanta ay minani lang ng Fearless Diva.

Bago naman magtapos ay bigla na lang nawala ang sound ng mikropono ng Kapamilya singer.

Biro tuloy ng netizens, tila ang mic na raw ang sumuko sa birit ni Jona.

“Sa sobrang galing niya ..ang 🎤 microphone na ang sumuko, 😅” komento ng isang netizen.

“napakalinis talaga nya kumanta 🥰🥰🥰” sey naman ng isa pa.

“That's why she is the Fearless Diva!”

“pati yung mic di kinaya ang boses ni mayora @Jona power 💛👏🏻”

“Ang galing tlga sobra!”

“yung di man siya prepared sa "higher higher higher" part haha!”

“headtone tlaga nya Ang umaangat compare sa iba😌 hands down!”

“huy Jona🥰🥰 GRABE ka😅 napakahusay . parang always basic lng😅”

“bat parang ambaba pa rin sa kanya HAHAHAHAHA!”

Sa Twitter naman, napa-react naman si Jona sa pagkamatay ng kaniyang mic bago pa matapos ang kanta.

“thank you pero sabi ng mic ko sa dulo amaccana raw HAHAHA” mababasa sa caption ni Jona sa tweet matapos purihin ng isang fan.

https://twitter.com/MsJ0NA/status/1653037913322692609