Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil sa inaasahang flash floods at landslides dulot ng low pressure area (LPA) sa Surigao del Sur.

Sa pagtaya ng PAGASA nitong Miyerkules, huling namataan ang LPA sa coastal waters ng San Agustin, Surigao del Sur nitong Mayo 3 ng madaling araw.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na makaaapekto naman sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Sinabi ng PAGASA, posibleng maapektuhan ng LPA ang Visayas, Mindanao, Bicol Region, at Region 4B o MIMAROPA (Mindoro-Marinduque-Romblon at Palawan).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binabantayan pa ng PAGASA ang nasabing namumuong sama ng panahon dahil sa posibilidad na maging bagyo.