Dumaan ang kaniyang kaarawan subalit wala pa ring paramdam sa social media ang tinaguriang "real-life Darna" at Kapamilya star na si Angel Locsin.

Marami na raw ang curious kung ano na ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon, at kung ano-ano na ang mga ganap sa buhay niya.

Ayon sa isang ulat na inilabas ng isang pahayagan, kung alok na mga proyekto ang pag-uusapan ay hindi mababakante ang misis ni Neil Arce. Subalit mas pinipili umano ni Angel na huwag munang magtrabaho.

Sa ngayon daw, isang "online gamer" si Gel.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nahihilig daw sa paglalaro ng online games si Angel, at ang siste, hindi raw alam ng mga kalaro niya online na ang kalaro nga nila ay ang aktres. Siyempre, may gamer's name na ginagamit si Angel kaya nakatago pa rin ang katauhan niya.

Nagkakasya na lamang ang kaniyang fans sa pagsulyap-sulyap sa kaniyang mga lumang social media posts, gayundin ang throwback photos na ibinabahagi sa kaniyang social media pages.

Pero hopefully, sa mga darating na panahon ay muling babalik sa limelight si Angel.