Nag-alala ang fans at "Little Ponies" ni Unkabogable Phenomenal Star at "It's Showtime" host Vice Ganda matapos niyang ibahaging nagpunta siya sa ospital.

Makikita sa Instagram stories ni Vice ang kaniyang mga litrato habang nakasuot ng hospital gown at nakahiga sa kama ng The Medical City noong Biyernes, Abril 28.

Pinakalma naman ni Vice ang kalooban ng fans at sinabing wala silang dapat ikabahala.

“All clear. All good. Thank you Lord! Tuloy ang rampa! #HealthysiMeme," tweet niya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

https://twitter.com/vicegandako/status/1652170258596380673

Hindi naman tinukoy ni Meme ang dahilan ng pagpunta sa ospital. Siyempre, kaagapay niya ang mister na si Ion Perez.

Samantala, present na present naman si Vice sa It's Showtime ngayong unang araw ng Mayo matapos bumalik mula sa kaniyang concert tour. Espesyal ang araw na ito dahil balik na sa 12:00 noon ang show matapos magpaalam sa ere ang ka-back-to-back na "Tropang LOL."