Kahit binatbat at inulan ng isyu at kontrobersiya, handa pa rin umano si Kapuso actor Paolo Contis na makasama sa isang proyekto at makatrabaho ang kaniyang girlfriend na si Yen Santos.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nakapanayam si Paolo sa Cornerstone Studio sa Quezon City, at sinabi niyang grateful siya sa producer ng mga pinagbidahan niyang pelikula dahil sa pagtitiwala sa kaniya.

"I'm just very thankful with MavX Productions. Si Lucky (Blanco) yung nagsugal sa 'Through Night and Day' at saka yung 'Ang Pangarap Kong Holdap' at ako yung kinuha niya. Nagtuloy-tuloy na. I'm so thankful na ako ang kinuha nila regardless of the issues that I go through," ani Paolo.

"Masarap isipin na isa sila sa mga taong hindi nag-judge at tinitignan yung personal na buhay but more on the professional side."

Paolo, sad na 'na-demonize' sila ni Yen

At kung sakaling magkaroon ng part two ang "A Faraway Land" nila ni Yen na nagpanalo sa huli sa Gawad Urian, game pa rin si Paolo na magkaroon ng another project kasama si Yen.

"If there's a project, why not? Work is work. If there's a project that we want to do, why not?" aniya pa.

Kamakailan lamang ay naglabas ng saloobin si Paolo na pakiramdam niya ay masyado silang na-demonize ni Yen dahil sa kanilang relasyon.