Tawang-tawa ang Kapuso comedy star na si Pokwang matapos sabihin ng anak nila ni Lee O' Brian na si "Malia" na may bago na siyang "dada" o tatay, sa katauhan ni "John."

Ibinahagi ni Pokie ang video nila ni Malia habang iniisa-isa nito ang mga laruang manika at kung sino-sino ang mga ito.

Nang ipakilala ang manikang lalaki, sey ni Malia, "This is John my new dada!"

Paglilinaw naman ni Mamang sa caption, "Sino si John ha Malia? Imaginary dada? hahahhahahaa sige ipag pray natin yang si John para totoo na 😄😆🤣 kailangan galing kay God para bongga 🙏🏼."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ngayon daw ay happily single si Pokwang subalit open naman daw siya kung may darating na totoong "John" sa kaniyang buhay.

Matatandaang ilang buwan na ring naging usap-usapan ang hiwalayan nila ni O'Brian, bagama't hindi pa nagsasalita ang kampo ng American actor tungkol sa kaniyang panig.