Hinahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na sakay ng lumubog na yate sa bisinidad ng Tubbataha Reef sa Palawan.

Ang apat ay kabilang sa 32 na sakay ng dive yacht na M/Y Dream Keeper na naglayag mula sa San Remigio, Cebu nitong Huwebes, Abril 27, at dumating sa Tubbataha Reef nitong Abril 29, Sabado, dakong 10:00 ng gabi.

Sinabi ng Coast Guard, nakatanggap sila ng impormasyon na lumubog ang yate nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa PCG, katulong nila sa patuloy na pagsasagawa ng search and rescue operations ang iba pang dive boat sa lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang sa apat na nawawala ang dalawang pasahero, sang dive master, at ang may-ari ng yate.

Kaugnay nito, dumating na sa Puerto Princesa City nitong Lunes ang 28 na nailigtas na sakay ng yate.

Pinangunahan ni Coast Guard Capt. Dennis Rem Labay ang pagsalubong sa mga ito na sakay ng BRP Melchora.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.