Tila "nakaganti" na raw ang waiter sa isang restaurant na naging usap-usapan dahil sa pamamahid ng icing sa noo nito ni Alex Gonzaga noong birthday niya.

Sa finale episode ng noontime show na "Tropang LOL" noong Sabado, Abril 29, bumisita ang mister ni Alex na si Lipa City Councilor Mikee Morada at pinahiran ng icing ng cake ang noo ng misis.

Nakisali si Mikee sa game segment na "Beat The Who" sa pamamagitan ng pagpahid ng icing sa mukha ng mismong asawa matapos magkamali sa kaniyang sagot.

Kagaya sa ginawa niya sa waiter, pinahiran siya ng icing sa noo, ngunit ang icing ay kulay-puti sa halip na kulay-itim.

Alex nagtanda na; nag-mature na raw matapos durugin sa isyu ng pahid-icing

Tila naungkat naman ang nangyaring kontrobersiya sa pagitan nina Alex at ng waiter, bagama't nag-sorry na ang TV host-vlogger sa kaniyang ginawa.