Pinusuan ng mga netizen ang mga litrato ni Kitty Duterte na ibinahagi niya sa kaniyang social media account, kung saan makikita ang mala-reyna niyang awrahan sa pagdalo sa kanilang seniors' ball sa paaralan.

Suot ni Kitty, mag-aaral ng Mapua Malayan Colleges Mindanao, ang isang gold and red ensemble na may kasama pang tiara.

"Queens don't compete," caption niya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Aprub naman sa mga netizen ang outfitan ni Kitty na anak nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Cielito "Honeylet" Avanceña.

Maraming humihimok kay Duterte na pasukin na rin ang showbiz dahil sa looks pa lang ay stand-out na ito.

Sa katunayan, kinuha na siyang brand ambassadress ng isang beauty product na number one sa Davao City.