Inabisuhan ng Manila City government ang mga motorista nitong Linggo na sisimulan na ang pagpapatupad ng partial road closure sa Lagusnilad vehicular underpass upang bigyang-daan ang apat na buwan na rehabilitasyon nito.

Sa abiso ni Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna, ang partial closure ng underpass ay ipatutupad simula sa Martes, Mayo 2.

Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng sasakyan na dadaan sa Taft Avenue na gumamit muna ng alternatibong ruta upang makaiwas sa posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Matatapos angrehabilitasyonng underpass sa Setyembre 2023.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente