Ibinahagi ng Office of Civil Defense (OCD) na walang naitalang casualty o anumang pinsala matapos yanigin ng magnitude 5.2 na lindol ang Occidental Mindoro nitong Sabado ng hatinggabi, Abril 29.

“No reported damages and casualties as of reporting time,” ani Diego Agustin Mariano, head ng OCD joint information center sa isang disaster media bulletin.

Samantala, pinag-iingat pa rin umano ang mga residenteng naapektuhan ng lindol na mag-ingat sa mga posibleng aftershocks.

“Patuloy ang koordinasyon ng Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA sa lokal na pamahalaan ng Looc, Occidental Mindoro patungkol sa naganap na magnitude 5.2 na lindol nitong hatinggabi,” saad ni Mariano.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tentonic ang pinagmulan eksaktong 12:00 ng hatinggabi.

Namataan ang epicenter nito 19 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Looc Town, at may lalim na 74 kilometro.

Ibinaba ng Phivolcs ang magnitude ng lindol sa 5.2 mula sa naunang ulat nito na magnitude 5.5. Nilinaw rin nito na ang eksaktong pinagmulan ng lindol ay sa bayan ng Looc, at hindi ang nauna nitong ulat na Calintaan.