Isang tripulanteng Chinese ang nasawi sa banggaan ng dalawang barko sa Bataan nitong Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa social media post ng PCG, dakong 7:30 ng umaga ngSabado nang matagpuan ang bangkay ng nasabing Chinese sa bisinidad ng Corregidor Island.

Nasagip naman ang 21 na tripulante ng oil product tanker naMT Petite Soeur habang 16 pa lamang sa 20 na tripulante ng dredger MV Hong Hai 189 ang nailigtas.

Sa paunang imbestigasyon ng Coast Guard, naitala ang huling port call ng MV Hong Hail 189 sa Botolan, Zambales habang ang MV Petite Soeur ay sa Mariveles, Bataan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dahil sa insidente, tumaob ang MV Hong Hai.

Kasama sa search and rescue operations ang grupo ng PCG, kabilang ang Aviation Force nito na nagsagawa rin ng aerial inspection sa lugar.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente, ayon pa sa PCG.