San Luis, Batangas -- Pinangunahan niDepartment of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang groundbreaking at laying time capsule ceremony ng₱5.3B bagong kalsadana mag-uugnay sa Mabini-Bauan-San Luis-Taal-Lemery nitong Biyernes, Abril 28 sa bayang ito.

Ang Mabini-Bauan-San Luis-Taal-Lemery coastal road project ay isa pang malaking proyekto sa lalawigan ng Batangas na may kabuuang haba na 21.71 kilometro. Mula sa nasabing kabuuang haba ang 13.87 kilometro ay sakop ng Batangas 2nd legislative district habang ang 7.28 kilometro ay nasa bahagi ng Batangas 1st district. Ang proyekto ay may kabuuang halaga na₱5,302,160,450.79.

Ayon sa presentasyon ni DPWH-4A regional director Jovel G. Mendoza ang nasabing proyekto ay upang mabawasan ang oras ng paglalakbay para sa mga sasakyan mula Lemery na patungo sa Mabini.

Bukod sa oras ng paglalakbay, ito rin ang magsisilbing daan patungo sa baybaying bahagi ng mga bayan ng Bauan at San Luis, at higit na makikinabang ang mga residente mula sa mga kalapit na munisipalidad tulad ng San Pascual at Batangas City.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Idinagdag ni Mendoza na ang iminungkahing alignment ay binubuo ng mga kasalukuyan at hindi sementadong kalsada. Partikular, kinapapalooban nito ang pagtatayo ng bagong kalsada o missing links at posibleng muling pagtatayo at rehabilitasyon ng mga kasalukuyang lokal at barangay na kalsada at ito ay alinsunod sa pamantayan ng disenyo ng DPWH national road.

Ang Batangas ay accessible mula sa Metro Manila, ang nasabing coastal road ay maghuhudyatsa pagpapasigla at pagpapalago ng turismo, ayon kay Mendoza.

Ang nasabing proyekto ay naging posible sa tulong ni Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Deputy Speaker Rep. Ralph Recto at Senator Ramon “Bong” Revilla, senate chairman on Public Works